|
Espiritu ng pagkatakotIto ay
sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng pagkatakot, sa
halip, binigyan niya tayo ng espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at
pagpipigil sa sarili. (2 Timoteo 1:7).
Ito ay
sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at dugo, subalit
laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga
makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal
na kasamaan sa mga dako ng kalangitan.
(Mga Taga-Efeso 6:12).
Ito ay nagsasabi sa atin na ang
ating pakikibaka ay laban sa hindi nakikitang kaaway, at hindi sa laman
at dugo na nakikita ng ating mga mata lamang. Ang puwersang espirituwal
ang umaataki sa atin upang makuha ang ating pansin at ilayo ito sa
banal na krus.
Si Jesus ay tinalo na si satanas, at nakamit na ang katagumpayan minsan pa. Datapwat, para mamuhay sa kanyang katagumpayan, kailangan nating isuko ang ating sarili sa Panginoong Jesus. Kung mawalan tayo ng tiwala sa Kanya maaring tayo ay madaling sumuko sa mga kahirapang nararanasan at dumarating sa atin at ito ang maging daan para tayo ay bumagsak at matalo. Dapat ninyo siyang isaalang-alang na mabuti upang huwag kayong manlupaypay at huwag manghina ang inyong kaluluwa, dahil siya ay nagtiis ng labis na pagsalungat mula sa mga taong makasalanang laban sa kaniya. ( Hebreo 12:3). Isa sa mga espirituwal na kapangyarihan na nakakapagpasagabal sa atin upang tayo ay mamuhay sa katagumpayan ni Jesus ay ang espiritu ng pagkatakot. Layunin nito na tayo ay maging takot at mahina upang hindi natin ilagay ang ating pananampalataya kay Jesus. Ang paglalagay natin ng ating pananampalataya sa Panginoong Jesus ay tiwala na gagawin Niya, ayon sa kanyang mga salita. Ang mga taong namumuhay sa pananampalataya ang siyang pinakakalaban ni satanas. Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, samakatuwid ay ang ating pananampalataya. At sino ang dumadaig sa sanglibutan?kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Diyos. (1 Juan 5:4-5). Ang espiritu ng pagkatakot ang umaataki sa maraming kristiyano upang wasakin ang kanilang pundasyon kay Jesu-Cristo. Katakutan ay galing sa deilias salitang Griyego na ang ibig sabihin ay kahinaan ng loob, matatakutin, mahiyain, bahag ang buntot, upang maging walang hiyang tao, walang puso, upang sumuko, upang purihin ng labis labis at upang yumukbo. Sa mga panahong isa sa mga ito ang ating nararanasan dapat nating malaman na itoy hindi galing sa ating Panginoong Jesus. Ang Diyos ay hindi nagbibigay sa atin ng espirito ng katakutan. Sinuman ang inilagay ang tiwala sa ating Panginoong Jesus ay makakatanggap ng espiritu na ibinigay ng Diyos: isa ay kapangyarihan, pagmamahal at kontrol sa sarili.ang mga espiritung ito ay kabaliktaran sa katakutan . Sa salitang Griyego gumagamit sila ng salitang sophronismou para sa kontrol sa sarili ibig sabihin disiplina, balanse, malinaw, kalmado, malumanay, kapayapaan. Ang mga ito ang maglalarawan sa taong ipinagkatiwala ang kanilang pananampalataya sa Diyos. Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito. (Santiago 4:7). Mas makapangyarihan si Jesus kaysa sa iyong mga pinagdadaan, pagsubok at kahirapan. Ilagay ang iyong tiwala sa Kanyang mga pangako, dahil Siya ay namatay upang tayo ay maligtas, kahit na hindi mo nakikita ang kasagutan sa iyong mga problema, piliin mong magtiwala sa Diyos at Siya ang maghahatid sayo. Wag mong hayaang kontrolin ka ng mga negatibong pag-iisip. sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pag-asa sa inyong huling wakas. (Jeremias 29:11). Ang iyong pananampalataya ang magtutukoy kung ikaw ay mamumuhay ng matagumpay o talunan. Samakatuwid, ilahad mu ang lahat ng iyong alalahanin sa Kanya, at ayawan mu ang espiritu ng katakutan, at lasapin mo na ang Diyos ay gagawa ng paraan kung kailan tila ba wala ng paraan.
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |