Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Bartimeo


”Dumating sina Jesus sa Jericho. Nang papaalis na siya sa Jerico kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba, may nadaanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya'y si Bartimeo na anak ni Timeo.

Nang marinig ng bulag na ang nagdaraan ay si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya nang sumigaw,'' Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!

Pinagsabihan siya ng mga taong naroroon upang tumahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!

Tumigil si Jesus at kanyang sinabi, Dalhin ninyo siya rito. At tinawag nga nila ang bulag. Lakasan mo ang iyong loob. Tumayo ka. Ipinatawag ka ni Jesus, sabi nila.

Inihagis niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Jesus.

Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo? tanong sa kanya ni Jesus. Sumagot ang bulag, Guro, gusto ko pong makakitang muli.

Sinabi ni Jesus, Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya. Noon di'y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.” (Marcus 10:46-52)

Ang salaysay sa buhay ni Bartimeo ay nag-umpisa kay Jesus, sa pagdating Niya sa Jericho.

Ang balita tungkol sa Jesus ay kumakalat na bago pa nakarating kay Bartimeo, kaya iyon ang dahilan bakit maraming dumating upang manood lamang.

Kung ating titngnan kung ano ang isinulat ng ibang ebanghelyo tungkol sa pagbisita sa Jericho, walang ibang nangyari hanggang sa himalang nangyari kay Bartimeo na nakatanggap muli ng kanyang paningin, at binisita ni Jesus ang publikanong si Zacheo.

Wari napakakonting panahon lang ang ginugol ni Jesus sa lungsod. Ang salaysay ay nag-umpisa sa: Dumating sina Jesus sa Jerico. Nang papaalis na Siya sa Jerico kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba…” (10:46)

Ang pagbisita sa Jerico ang huling beses na bibisitahin ni Jesus ang lungsod. Siya ay patungo na sa Jerusalem upang gampanan ang layunin na ibinigay ng Kanyang Ama; upang maging isang huling alay para sa mga kasalanan ng sangkatauhan.

Nang mapagtanto ni Bartimeo na si Jesus ay papaalis sa lungsod, nag-umpisa siyang sumigaw sa Kanya. Ito ay isang pagkakataon sa buong buhay niya, at kung hindi niya ito susung-gaban, siya ay isa pa ring bulag na namamalimos. Hindi siya masyadong isinaalang-alang o nirerespeto ng mga tao, si Bartimeo: Pinagsabihan siya ng mga tao na tumahimik…”ngunit hindi nila siya napatigil: ”…mas lalo pa siyang sumigaw ng malakas..”

Ang sumunod na pangyayaring naganap ay: Tumigil si Jesus at Kanyang sinabi, Dalhin ninyo siya dito!...”

Kung ating bibigyan ng rason na nagawang patigilin ni Bartimeo si Jesus, sa gayon ito ay pagsuko ng walang pakundangan. Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga Espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.” (Mga taga-Colosas 1:16)

Ang lumikha ay huminto para sa isang bulag na namamalimos!

Ngunit ano ang nagpahinto kay Jesus? Siya ay nasa daan na palabas ng lungsod. Ang paliwanang dito ay kung ano ang isinisigaw ni Bartimeo sa Kanya. Sinisigaw niya: Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!

Sa takdang panahon, si David ay pinangakuan ng Diyos na isa sa kanyang mga anak ay ookupahin ang kaharian magpakailanman. Sa panahong ito, karapatan at katarungan ay mangingibabaw. Dapat itong maging oras ng matinding kapayapaan.

Kahit na si Bartimeo ay bulag, ay may kakayahan pa rin siyang makarinig. Ang pananampalataya ay darating at malalaman hindi sa kung ano ang nakikita ng isang tao, kundi sa pamamagitan ng pandinig. Napakarami ang nakakita sa mga himala na ginawa ni Jesus, ngunit yaong mga taong pumunta sa kanya ng may pananampalataya ang nakakatanggap nito.

Habang si Bartimeo ay nakaupo at namamalimos, nakikinig siya sa kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Jesus.


Narinig niya ang tungkol sa mga tao na napagaling. Mga taong napakain sa iilang isda at tinapay lamang sa kaparangan. Narinig niya ang tungkol sa paglakad ni Jesus sa tubig dagat. Narinig niya ang tungkol sa kung ano ang mga ginawa ni Jesus at napunta siya sa kanyang pagpapasiya. Ito ay talagang Anak ni David!

At ang dahilan kung bakit tumigil si Jesus noong sumisigaw si Bartimeo, ay dahil sumusigaw siya ng habag. Si Jesus ay hindi maaring itanggi ang kanyang sarili. Dahil ayon sa nakasulat: Sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging ''Oo''. Dahil sa kanya, nakakasagot tayo ng ''Amen'' para sa ikaluluwalhati ng Diyos.” (2.Mga taga-Corinto 1:20)

Kapag tayo'y nakatanggap ng habag galing sa Panginoon, may nangyayari, hindi lamang sa atin kundi pati sa mga nakapalibot sa atin. Parehong mga tao na pinagsabihan si Bartimeo upang tumahimik siya, ay pareho ding mga tao na naghikayat sa kanyang tumayo!

At si Bartimeo ay tumayo habang inihagis niya ang kanyang balabal. Ang balabal na nakikilala siya bilang namamalimos. Ang balabal ay sumasagisag sa hindi tangap, paghamak, at pagkatakot. Siya ay tumindig sa kanyang mga paa at tumatayo ngayon sa harap ni Jesus, ang anak ni David, na Siyang katuparan sa lahat ng mga pangako ng Diyos.

At nakamit ni Bartimeo ang kanyang nais. Naibalik na muli ang kanyang paningin. Mula sa sandaling iyon, ang buong buhay niya ay nabago. Mula sa isang bulag na mahirap at namamalimos lamang na nakaupo sa gilid ng kalsada, siya ngayon ay isang nakikitang alagad ni Jesus na sumusunod kay Jesus saan man ito patungo.

Ito ay nakasulat: Hanapin mo ang Panginoon habang Siya'y matatagpuan, magsitawag kayo sa Kanya habang siya'y malapit pa!” (Isaias 55:6)

Si Jesus ay nasa Jerico, at Siya'y para kay Bartimeo, at ngayon wala siyang ibang magagawa kundi tawagin Siya. Ang pagbisita ni Jesus sa Jerico ay isa ding pagkakataon para sa iba upang tumawag sa Panginoon para kahabagan. Ngunit hindi nila ginawa, samakatuwid may isang tao lamang sa Jerico.

Kapag alam ninyo na malapit ang Panginoon, ito ang oras upang tumawag kayo sa Kanya.

Tandaan: ang Panginoon sa sandaigdigan ay tumigil para sa isang bulag na namamalimos lamang na sumisigaw ng habag.




 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway