|
Ang panahon ng Paghahanda Tayo ay nakatira sa nakakapanabik na panahon, mula noong nandito pa sa daig si Hesus Kristo, ang panahon na magtatapos ng rapture. Ito ay mangyayari, at yaong mga pag-aari ni Hesus Kristo, ang mapapangasawa, ay maghahanda sa kanilang sarili sa pag-alis dito sa daigdig. Ang rapture, at ang paghahanda ay magiging pandaigdigan. Ang mga palatandaan na nalalapit na ang napipintong kasal ng Karnero ay ang Diyos ay magbibigay ng inspiration sa kanyang mga alagad sa lahat ng lahi dito sa daigdig, na magpropesiya, magturo at ipangaral kung ano ang nalalapit na maaring mangyari. Ang rason nito ay nais ng Diyos na magsisi sa kanilang mga kasalanan ang mga tao at ihanda nila ang kanilang mga sarili sa pag-alis papunta sa walang-hanggan bilang asawa ni Jesus. Noong abril 2016 si Ingebrigt
Hoset ay naimbitahan bilang isa sa mga tagapagsalita sa taunang
kompernsiya ng March of Faith sa Bohol sa Pilipinas. Mayroon silang
mahigit kumulang 400 mga simbahan at may mga 1,400 na mga delegation
ang pumunta, at pati na rin ang mga lokal na mga mamamayan. Isang
linggo ang kompernsiya at yao'y napakamakapangyarihang linggo. Isang
pastor ang nakapagsabi na isa ito sa mga di malilimutang komperensiya
na nadaluhan nila. Sa bawat araw, ay nandoon sila sa panahon ng
pangangaral ng Salita ng Diyos, ang mensahe na ni Ingebrigt ay upang
ipakita kung paano ang magiging panahon bago mangyari ang rapture, at
kung paano makakapaghanda ang bawat isa para dito. At ang mga dumalo ay
nakikinig, sumiyasat sa kasulatan sa kanilang mga Bibliya at
nagsipagtala nito.
Pagkatapos ng mga pagpupulong marami ang mga sa pumunta harapan upang hangarin ang Panginoon, at ang kagalingan, magsisi sa kanilang mga kasalanan, kompromiso, pagiging maligamgam, at mabautismuhan ng Espirito Santo. Nakita namin ang kapangyarihan ng Panginoon na isinabog sa buong kongregasyon. Ang presensiya ng Panginoon ay napakamakapangyarihang at ibinuhos ng mga tao ang kanilang mga puso sa Diyos. Ang mga tao ay nabautismuhan ng Espiritu Santo, nagsipagaling, at nanumbalik ang kanilang relasyon sa Diyos. Narito ang ilang mga larawan sa ginawang komperensiya.
Ang
presensiya ng Diyos ay napakamakapangyarihang at napakaraming tao ang
hindi kinayang tumayo. Sa kanan makikita ninyoe si Ingebrigt na
nagdasal sa isa sa mga dumalo.
Ang babaeng ito ay masakit ang dalawang binti, at nahihirapang lumakad. Pagkatapos ng intercesyon ang sakit ay nawala at nakalakad na siya ng normal. Bagong
koneksyon ay nangyari din, si Bjørg at Ingebrigt Hoset at isa sa
mga panauhing tagapagsalita, Tallat Mohammad mula sa US.
Panapos na Salita Noong
kami ay naglakbay sa mga bansa, ginugugol namin ang aming oras sa
pagtuturo, samantala dalawa ang katungkulan namin: ang makapagligtas ng
tao para sa Panginoon, at maitatag ang kaniyang simbahan. Sa
paglalakbay na ito ang mga tao ay naligtas at nakinig, pareho ay
mahalaga. At ang talinghaga ng sampung mga birhen, na siyang
naglalarawan ng simbahan. Sabi ni Jesus na lima sa sampung mga birhen
ay maiiwan kung kailan ang mapapangasawa, si Jesus ay dumating para sa
kanila. Ibig sabihin nito na labing limang porsyento na nag-aakala na
makakapunta sila sa langit ay hindi makakapunta. Hindi natin tungkulin
ang manungkala kung ilan, o sino ang makakasama ni Jesus sa rapure,
datapuwat ating isiwalat ang Salita ng Diyos upang ang mga tao ay
makapaghanda sa kanilang sarili na makasama. Iyon ang ginawa namin sa
Bohol. Ang mga delegasyon ay dinadala ang mensahi pauwi sa kanilang mga
bahay at simbahan sa iba't-ibang panig ng Pilipinas, at sa gayong
paraan nakapaghanda ang mapapangasawa ni Jesus para sa kasalan.
Isang video sa isa sa mga pagpupulong.
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |