![]() |
|||||||||||
|
”101”
Panimula
Ang pamagat sa ulat na ito ay nahirang na bilang ika ''101'',
ang dahilan sapagkat ito ang ika-101 na paglalakbay sa mga bansa,
maghikayat ng mga kaluluwa pabalik kay Jesu-Cristo. Noong tinuruan ni
Jesus ang kanyang mga disipulo paano magdasal binigay Niya sa kanila
ang dasal ng Panginoon. Bahagi ng dasal nito ay nagsasaad na tayo ay
manalangin..Na ang Iyong kaloob ang siyang masunod dito sa lupa gayon din sa langit. Ang talinghaga tungkol sa nawalang anak na nakasulat sa Lucas 15 ating mababasa ang tungkol sa kanyang ama: Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap at hinalikan.(Lucas 15:20)
Ang amang ito ay larawan ng Diyos na nagmamahal at nanabik sa kanyang mga nilalang. Surf
Miputak at Liloy
Ang programa sa
biyaheng ito ay parehong krusada at pangangaral sa simbahan. Ito ay
naging programa na magpapabago at humipo sa buhay ng maraming tao,
kahit na bumugso ang ulan na siyang dahilan na ung iba ay nasa bahay
lang nila. Ang unang lugar sa krusada ay sa Surf Miputak, isang maliit
na bahagi ng lungsod ng Dipolog. Ang Surf Miputak ay isang maliit na
baranggay, na karamihan sa mamamayan ay mangingisda. Ang kahirapan ay
lubos na kumakalat sa buong lugar at napakarami ang lulong sa alak at
sugal sa mga mamamayan. Wala masyadong nangyayari doon, maraming tao
ang pumunta sa krusada upang marinig ang pangangaral ng isang dayuhan
tungkol sa banal na kasulatan. Nang mag-umpisa na ang paanyaya upang
tanggapin si Jesus sa kanilang buhay bilang kanilang tagapagligtas, mga
nasa anim naput lima ang tumanggap nito. Ang pagbabago sa kanilang
buhay ay nakita, sila ay nagningning at nagbigay ng patotoo na
nagkaroon sila ng kapayapaan at kasiyahan na hindi pa nila naranasan
noon. Pinatunayan din ni Jesus ang kanyang kahanga-hangang salita sa
pamamagitan ng pagpapagaling. Bilang bunga ng krusadang ito, isang
simbahan ang naitayo at isang pastor ang naitalaga. Mga Himala
Si Jesu-Cristo
ay katulad pa rin noon, ngayon at magpakailanman. Hindi siya magbabago,
samakatuwid ginagawa na pa rin ngayon kung ano ang ginagawa niya noong
nakalipas na dalawang libong taon. Ang ating Panginoong Jesus ay
pinatunayan ang Kanyang Salita at gumawa ng malaking himala sa Liloy.
Ang
labindalawang taong batang ito na si Cris Mae Jame Alga ay ipinanganak
na pipi at bingi. Siya ay pumunta sa lugar na kung saan idinaos namin
ang krusada. At siya ay pumasok doon upang makita kung ano ang
nangyayari doon. Isang babaeng kasapi ng simbahan ang nagdala sa kanya
sa harapan upang madasalan, na siyang makapagpabago sa kanyang buong
buhay. Sa nakikita natin sa larawan pinalayas ni Ingebrigt ang espiritu
ng pagkabingi at pagkapipi! Zamboanga
del Norte
Ang Pilipinas ay
pinapamahalaan din ang mga probinsiya. Isa sa mga probinsiya ay ang
Zamboanga Del Norte kung saan ang Lungsod ng Dipolog ang kabisera nito
na may higit kumulang 1 milyong mamamayan. Ang probinsiyang ito ang isa
sa mga pinakamalala sa Pilipinas pagdating sa pangkabuhayan. Noong Mayo
2013 ay naganap ang eleksiyon at si Roberto Uy ang naging bagong
gobernador sa probinsiya. Siya ay matapat na mananampalataya at ang
kanyang palatuntunan ay ang sugpuin ang korupsiyon o katiwalian, muling
itayo ang probinsiya at palaganapin ang ebanghelyo. Si Ingebrigt at
Roberto ay nakilala ang isa't-isa iilang taon na din ang nakalipas.
Nung kanyang marinig na si Ingebrigt ay magkakaroon ng krusada sa
probinsiya, kanyang ipinagamit ang kanyang sasakyan na may kasamang
tsuper upang tumulong sa pagpalaganap ng Magandang Balita. Binuksan
niya din ang pinto para kay Ingebrigt upang kanyang maipangaral at
mapanalanginan ang administrasiyon sa probinsiya. Panghuling salita
Ang misyong
biyaheng ika 101 ay natapos na. Mga mahigit isang daan at limang katao
ang tumanggap kay Jesus. At ang bagong simbahan ay naitayo. Ang
pagbabago ay nakamtan sa Surf Miputak at Liloy. Ang Panginoon ay
nagbigay ng pagtutoo at ang bunga ng biyaheng ito ay walang hanggan.
Ito ang aming tawag ,sa aming mga puso kami ay nagsisilab na makaabot
ng marami pang tao sapamamagitan ng Ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Kung
nararamdaman ninyo na nais ninyong maging bahagi ng ministeryong ito,
sa pamamagitan ng pagsuporta ng ekonomikal o mga dasal, maari po ninyo
kaming kontakin. Pagpalain Nawa kayo ng Panginoon! |
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |