![]() |
|||||||||||
|
Si Jesus ay nagtagumpay sa Pakistan(Pakistan, Disyembre 2012)
Si Ingebrigt ay malugod na
sinalubon g at tinanggap ng mga Kristiyanong lider.
ProteksyonAng Pakistan ay isang Republika
ng Islam. Upang masigurado ang kaligtasan sa panahon ng pangangasiwa ng mga
pagpupulong laban sa sukdulang Islamis, si Ingebrigt ay mayroong mga armadong
badigard, na silang nagsisguro na hindi makakalapit ang mga taong may masamang
intensyon. Si Ingebrigt ay dumating sa Crown
hall Sialkot na may nakapalibot na mga tagabantay. Sa isang pagpupulong sa Crown
hall kinuhanan ang litratong ito. Ang mga bantay kasama niya ay nagsabing
walang makakalapit na masasamang tao kay Ingebrigt. At ito nga ay nangyari.
Maliban sa mga armadong bantay, gumamit din sila ng mga scanner upang masiguro
na walang nagdadala ng baril sa loob ng pagpupulong. Para kay Ingebrigt ito ay
bagong karanasan, sa isip niya, mas ok ang walang badigard, ngunit kaligtasan
niya ang nangunguna. Ang Pagbukas ng Ebanghelyo
Mga
nagsipaghangad ng kaligtasan sa Crown
hall, Sialkot.
Sa nayon ng Ali Pur Chata may
higit-kumulang 250 katao ang tumanggap kay Jesus. Sa larawan makikita natin na nanalangin si Ingebrigt
para sa mga taong lumapit at tinanggap si Jesus.
Mga HimalaSi Jesus
noon, ngayon at magpakailanpaman ay ganun pa rin. Hindi siya makakapagbago at
sinabi niya na itataguyod niya ang Kanyang mga salita kapag ito ay naipangaral.
At ginawa Niya ito sa madla.
Mayroong mga ilang patotoo kung ano ang ginawa ni Jesus. Si
Anamika ay paralisado ang kanyang dalawang binti mula ng siya ay ipinanganak.
Dinala siya ng kanyang ama sa krusada sa Ali Pur Chata. Pagkatapos ng
pagdarasal nagawa ng bata ang kanyang pinakaunang hakbang sa buong buhay niya. Si
Bar Masih ay bulag sa loob ng apat na taon. Siya ay inalalayan patungo sa
krusada ng isa sa myembro ng kanyang pamilya. Sa isang sandali natanggap niyang
muli ang kanyang paningin at di na siya kailangan pang alalayan pauwi. Ang
pinakamakapangyarihang himala ay nangyari sa magkapatid na Sahar at Sahil na
may edad anim at pitong taong gulang. Dinala sila ng kanilang lola sa isa sa mg
pagpupulong, pareho silang pipi at bingi. Ang unang tinig na kanilang narinig
ay ang tinig ni Ingebrigt pagkatapos niyang magdasal para sa kanila. Pansinin
ang tiwala at kasiyahan sa kanilang mga mukha. Ang unang salita na namutawi sa
kanilang mga bibig ay Papa, Mama at Jesus! Maliban sa mga himala at
pagpapagaling, marami din ang napalaya mula sa masamang espiritu. Ito ay kadalasang nahahayag sa mga paghiyaw at
hindi mapaliwanag na mga ingay. Ang babae sa larawan ay maysapi mahigit tatlongpung
taon na. Walang may kakayahang makatulong sa kanya. Dito siya ay ganap na
napalaya sa sapi at pagkatapos tinawag niya si Jesus at naligtas siya. Sa huling krusada na naganap sa
nayon ng Sowwali, may isang muslim na babae na dumating dala ang kanyang
dalawang taong gulang na anak. Ang batang ito ay paralisado ang kaliwang binti.
Isang araw sinabi niya kung may isang taong makapagdasal sa kanya siya ay
makakalakad. Ang Espiritu ng Diyos ang nangusap sa kanya. At ang kanyang ina ay
dinala siya sa pagpupulong kung saan nadasalan siya ni Ingebrigt. Ang Kagandahang-loobAng
kagandahang-loob ay sadyang malawak kung kaya si Ingebrigt ay samakatuwid iniimbitahan
upang manatili para sa tanghalian, hapunan o kaya mangape kasama ang kapatid,
kapwa babae man o lalaki. Sila ay nakatira sa isang payak na kapaligiran ngunit
sila ay may malalaking puso at ang kanilang pagkain ay masarap. Sa bawat bahay na mapuntahan ni Ingebrigt ay may
ginagawang espisyal ang Panginoon. Pito sa pamamahay na iyon ay nangaligtas, na
kung susumahin ay may 32 katao. Sa ibang mga bahay ay may mga taong napagaling
sa sakit at napalaya sa masamang espiritu. Isang babae na bulag sa kanang mata
ay nakatanggap ng kanyang paningin. Isang babae din na nakatayo malapit sa
ispiker habang ginagawa ang paghahanda para sa pagpupulong, ang ispiker na ito
ay bumagsak sa kanya na naging sanhi ng pinsala sa kanyang ulo, mga braso at
likod. Siya ay ipinagdasal at bago pa makapagsabi si Ingebrigt ng Amen!,
siya ay biglang tumayo mula sa higaan at naging ganap na magaling! Bilang pasasalamat sa pagpunta ni
Ingebrigt mula sa Norway at naipangaral ang ebanghelyo ni Jesu-Cristo para sa
mga taong hindi pa nakakarinig ng tungkol sa Kanya, siya ay binigyan ng handog
sa huling pagpupulong . |
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |