Biyaheng pangmisyon

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina


Isang bukas na pinto

(Pilipinas, Abril 2012)



Noong Abril si Ingebrigt Hoset ay pumunta sa kanyang pangalawang biyahe sa Pilipinas sa taong 2012. Ang programa sa biyaheng ito ay dalawang araw na krusada sa Mindanao, at maging espiker sa taunang pagtitipon ng misyonaryong organisasyon ng ''March of Faith'' sa isla ng Bohol. Sa biyahe kasama din ni Ingebrigt ang kanyang dalawang anak na sina Dan at Filip. Ito ay isang biyahe na sa lahat ng paraan ay matatandaan ng may kagalakan.

Dalawang Krusada

Ang dalawang krusada na naganap sa iba't-ibang lugar ay pinaghandaan ni Pastor Vicente Barbarona Jr. Sa buong paghahanda, nakalaan na makapagpatayo ng bagong simbahan. Ang programa ay samakatuwid naka-organisado, at sinagot ng Panginoon ang mga dasal. Ang apat na krusada na ginawa sa mga lugar ay nakabuo ng dalawang simbahan. Bago namin napanalanginan ang mga may sakit pagkatapos ng krusada, ay binigyan ng kaalaman ang mga bagong mananampalataya sa mga gawaing nakalaan. Ito ay naipamahagi ng tagumpay, at marami ang nagpahayag ng kanilang galak na narinig nila ang ebanghelyo, at ito ang simula ng panibagong simbahan. Sa buong biyahe ay may mahigit 420 katao ang nagsisi sa kasalanan at nanampalataya sa Diyos.

Pagpapagaling sa may sakit…

Nang binigay ni Jesus ang pinakamalaking utos, sinabi Niya sa kanyang mga alagad: ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.(Marcus 16:18b). Ang pinakamalaking utos ay nagtatapos sa mga sumusunod na salita: Sumunod nga at nangaral ang mga alagad sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatunayan niyang totoo ang kanilang ipinapangaral sa pamamagitan ng mga himala na ipinagkaloob niya sa kanila. (Marcus 16:20).

Ang pinakamahalaga na ginagawa namin kapag nais namin na magkaroon ng krusada ay ang paghahanda sa pamamagitan ng pagdadasal at pag-aayuno. Isa din na mahalaga ay ang pag-aanunsiyo. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng mga karatula at paglalathala ng impormasyon tungkol sa magaganap na krusada. Ang pagtitpon sa krusadang ito ay naianunsiyo bilang isang himalang krusada. Nang pumunta ang mga tao sa pagtitpon, marami ang pumunta dahil sa kanilang mga karamdaman. Bago ang pagdadasal sa mga may sakit, narinig muna nila ang salita sa krus na ito'y kapangyarihan ng Diyos papunta sa kaligtasan. Samakatuwid ang kaligtasan ang pinakamalaking himala na mararanasan ng isang tao. Ang pagpapagaling ay bahagi lamang ng kaligtasang gawain ni Jesus, at may iilang patotoo na nakaranas nito.

 
Si Gina J. Piñero ay nagkaroon ng stroke. Kung kaya't halos wala siyang pakiramdam sa kabilang bahagi ng kanyang katawan. Binigay ni Jesus ang pakiramdam sa kanyang katawan at naigagalaw na niya ang kanyang mga kamay hindi katulad dati.


Si Danilo Miguello ay may malabong mga mata. At binigyan siya ni Jesus ng normal na paningin at nakakakita na siya ng malinaw kahit wala ang salamin sa mata.



Si Marcela Narzalo ay bingi sa kanyang kaliwang tainga. Agad-agad ay naibalik ang kanyang pandinig!


March of Faith

Pagkatapos ng krusada sa Mindanao ay pumunta kami sa Bohol, kung saan si Ingebrigt ang pinakapangunahing ispeker sa taunang pagdiriwang ng March of Faith sa Tagbilaran.

Ang March of Faith ay mayroong 430 na simbahan na may 80,000 na kasapi. Kada taon tuwing Abril ay nangangasiwa sila ng isang pagdiriwang sa Tagbilaran. At nakilala ni Ingebrigt ang kanilang lider na si Rufina H. Trigo noong taong 2011, at siya ngayon ay naimbitahan na maging ispeker sa taong 2012. Mayroong mga malakas na pagtitipon na sadyang nakapukaw sa puso ng mga dumalo. Pagkatapos ng pagtitipon daan-daang pastor, lider, at mga mananampalataya na pumunta sa gitna, nagsisi at nagbalik-loob sa Diyos. 


 
Si Ingebrigt Hoset at ang lider ng March of Faith, Rufina H. Trigo.




Marami ang pumunta sa harapan at nagsisi sa pagkakompromiso at kasalanan.


Pagtingin sa mga Tanawin

Si Dan at Filip at Ingebrigt ay kailangan din makaranas ng mga magagandang tanawin na mayroon sa Bohol, may nakaplanong biyahe para sa pagpunta sa magagandang tanawin. Ang paglilibot ay pagpunta sa Chocolate Hills na mayroong 1700 na tuktok na kamukha ng isang tsokolate ang tuktok kapag ang mga damo ay naging kayumanggi sa panahon ng tag-init. Pumunta din kami sa isang parke kung saan matatagpuan ang pinakamaliit na unggoy na tinatawag na Tarsier. Ang pinakahuli ay kung saan binisita namin ang isang zoo, na kung saan ang pinakamalaking ahas sa buong mundo ay makikita. Na may haba na walong metro at iyon ay hindi matatawag na ''alagang hayop''.

 
Isa sa mga pastor sa simbahan ay pinagamit ang kanyang sasakyan para sa paglilibot, isang humvee para sa paglalakbay. Si Ingebrigt at Filip ay nalibang talaga.



Si Ingebrigt, Vicente, Filip, at si Dan sa Chocolate Hills

Hindi masyadong gusto ni Filip ang malaking ahas. Isang beses sa isang buwan, pinapakain ito ng baboy na may bigat na 65 kilo. Walang ipinakita na sintomas na ito ay gutom ng ito ay binisita ni Filip, kahit na dalawa o tatalong araw nalang ay papakainin na nila ito!


Panapos na salita

Ang pagbisita sa Pilipinas sa panahong ito ay nakataon sa Araw ng Pagkabuhay. At sa muli tayo na nakabatid na si Jesus ay nabuhay mula sa mga patay. Napakarami sa pananampalataya ay nakatanggap ng makapangyarihang pagtagpo sa Kanya na mula noon, ngayon at magpakailanpaman ay ganoon pa rin

Sa aming parte ang biyaheng ito ay isang malaking bukas na pintu, kung saan naipangaral namin ang salita at naipamahagi sa mas malawak pa kesa sa mga dating naging biyahe namin. Ang pintuang ito ay bukas pa rin at samakatuwid maari pa rin kaming bumalik sa Pilipinas upang maipangaral si Jesu-Cristo.


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway