Biyaheng pangmisyon

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Ang mga taong Maamanwa na tumanggap kay Jesus

(Pilipinas, Hulyo 2011)

 
Panimula


Noong Hulyo 2011, si Ingebrigt Hoset ay pumunta sa Pilipinas para sa isang krusada at komperensya sa isla ng Mindanao. Ito ay napaka hindi malilimutang biyahe. Bilang kaakibat na pastor na si Bonifar Abanel, nakita niya kung ano ang mga naganap: Hindi namin plinano ito! Ang Diyos ang nagplano nito!

Ang nangyari ay ang mga taong Mamanua ay tinanggap si Jesus.

 

Ang mga taong Mamanwa


Ang mga taong Mamanwa ay mga katutubong tao na nakatira sa isla ng Mindanao matagal na panahon na bago pa man ito nasakop ng mga Pilipino ngayon. Sa kabuuang anyo sila ay may maitim na balat at kulot na buhok. Sa loob ng maraming taon ang mga taong ito ay napabayaan at pinandirihan, na nagdulot sa kanila ng hiya sa kanilang mga sarili. Kamakailan lamang, isang lokal na pastor ang sumubok na abutin ang mga taong ito sa pamamagitan ng ebanghelyo.

Lima sa kanila ay nag-umpisang pumunta sa simbahan. Ngunit walang katagumpayan at hindi nagtagal sila ay huminto sa pagpunta sa simbahan. Ang pastor ay hindi sumuko at kasama si pastor Bonifar napagkasunduan nila gumawa ng krusada upang maabot ang mga taon ito.

Isang Miracle Crusade ang inanunsiyo, at habang papagabi na kung saan nagaganap ang krusada ay padami ng padami ang dumalo at nakining na mga taong Mamanwa. Ang gabing ito nonng Hulyo 2, 2011 ang gabi ng pagbabago ng kasaysayan ng mga taong Mamanwa. Nang ipahayag ang imbitasyon upang tanggapin si Jesus bilang tagapagligtas at Panginoon, marami sa kanila ang tumanggap ng kaligtasan. Ito ay napakamakasaysayan dahil ito ang unang pagkakataon na naligtas ang mga taong ito! At sila ay nagningning sa kagalakan at kasiyahan na maging anak ng Diyos.

 
Mga kababaihan at kabataan na mga taong Mamanwa na naghangad ng kaligtasan.
 

Sa sumunod na araw, Linggo, Hulyo 3, may 30 sa kanila ang pumunta sa simbahan ng pastor na sumubok na abutin sila. Ang mga taong ito, sapagkat may mga taong sumubok na abutin sila at magkaroon ng tagumpay ngunit hindi nila nakamit, datapwa't noong sabado ng gabi sila ay naabot ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo at ang makapangyarihang tagumpay ay nakamit.

Ang Diyos ang siyang nagplano na ang mga taong Mamanwa ay makamit ang kanilang tagumpay at maligtas ngayong gabi. At isang araw ang mga taong Mamanwa kasama ang iba pang sangkatauhan dito sa mundo at iba pang mga lahi ay tatayo sa harap ng trono ng Diyos at magpupuri sa Diyos dahil sa kaligtasan.

Sa Pahayag 7:9-10 nakasulat dito; Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.Sinasabi nila nang malakas, "Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!"

 

 
Si Ingebrigt ay nakipag-usap sa isang babaeng Mamanwa. Siya ay nagpahayag ng kanyang labis na galak at kasiyahan na maging anak ng Diyos.


Krusada


Sa tatlong-araw ng krusada na merun ang biyaheng ito, mayroong 230 katao ang tumawag ng kaligtasan kay Jesus. May mga kabataan at matatanda, babae at lalaki. Walang ibang dakilang himala kundi ang pagkabuhay muli ng isang tao. Nang makipag-usap si Ingebrigt sa mga bagong mananampalataya tungkol sa kanilang naramdaman pagkatapos nilang tanggapin si Jesus, sabi nila na nagkaroon sila ng kapayapaan, yung iba nama ay nakatanggap ng kagalakan.


Nasa 230 ang tumawag ng kaligtasan kay Jesus, mula sa Cabadbaran Agusan del Norte.


Mga paggaling


Pagkatapos marinig ng mga tao ang ebanghelyo at tanggapin si Jesus, panahon na naman ng pagdadasal sa mga may sakit. At marami ang napagaling, kapag sinulat pa namin ang lahat ng mga nangyari sa krusadang ito ay maaring isang libro na ang mga patotoo. Andito ang ilan sa mga nangyari;

- Isang 8 taong gulang na batang bingi ang nakatanggap ng pandinig. Siya ay napakasaya ng maisip niya na nakakarinig na siya
- Maliban sa kanya ay may isang 10 taong gulang na batang bingi at marami pang katulad niya ang naibalik ang pandinig
- Isang taong malabo ang paningin ang naibalik ang normal na paningin.
- Andre som var svaksynte fikk også normalt syn.
- Isang 84 na taong gulang na lalaki ang hindi makalakad hanggang hindi siya inalalayan sa magkabilang balikat. Pagkatapos ng pagdadasal, siya ay naglakad ng nag-iisa sa unang pagkakataon sa maraming taon.

 
Ang 8 taong gulang na si Mira Gier na isang bingi. Sa larawan siya ay nagbigay ng tugon na siya ay nakakarinig na. Siya ay napakasaya.

 


Ang 77 taong gulang na si Francesco Yubas ay malabo na ang nakikita. Pagkatapos ng pagdarasal, nakakita siya muli ng normal.

 

 
Ang walongpu't taong gulang na si Casida Orbe ay kinakailangang alalayan kapag gumalaw.

 

 
Si Ingebrigt ay naglakad kasama ni Casida pagkatapos niya itong dasalan.


Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon si Casida ay nakapaglakad ng sarili niya ng walang alalay sa iba.
 

Ito ay iilan lamang sa mga patotoo sa mga paggaling na naganap. Si Jesu-Cristo ay katulad pa rin noon, ngayon at magpakailanman. At ginagawa niya pa rin ngayon ang kung ano ang ginagawa niya noong nandito pa siya sa mundo mga 2000 taon na ang nakalipas.
 

Panapos na Salita


Maliban sa mga krusada ay nangaral din si ingebrigt sa isang komperensiya kung saan maraming galing sa ibang simbahan at malalayung lugar ang dumalo. Ang mensahe ay sapol sa kanila at ito'y kanilang tinanggap. Marami ang pumunta sa pagtitipon na may pasasalamat sa kung ano ang ipinangaral.

Ang Diyos ay nagbukas ng pinto sa bansang ito, upang makapangaral sa ebanghelyo para sa mga hindi pa naabot, ngunit para din makapagpatayo ng mga lokal na simbahan.

 
Ang panibagong hinaharap at pag-asa ay dumating para sa mga taong Mamanwa.

 

 

Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway