Biyaheng pangmisyon

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina


Ang muling pagkabuhay sa Paradise

(Kenya oktobre 2010)

 

Si Ingebrigt Hoset at si Pastor Shadrach sa entablado. Ito ay hindi sa isa sa mga magaganda at matatag na uri ng entablado ngunit tama lang para maabot ang mga tao ng ebanghelyo.

Noong nakaraang Oktobre 2010, si Ingebrigt Hoset ay nasa Kenya. Siya ay naimbitahan ni Pastor Shadrach sa simbahan ng Glory Celebration Center sa Donholm – Nairobi, upang mangaral sa isang krusada at sa isang komperensya.

Ang Donholm ay libu-libu ang mga naninirahan dito. Isa ang Donholm sa pinakamahirap na kalapit bayan ng Nairobi.ang kawalan ng trabaho ay masiyadong mataas at ang krimen, pag-aabuso sa druga, alkoholismo, at prostitusyon ay nagkalat sa buong lugar. Datapuwa't ito ay mahirap na distrito, may mga bahagi lugar sa loob ng Donholm na mas malala pa kaysa sa ibang lugar. Isa sa mga ito ang iskwater na lugar ng Paradise na napakalugmok sa kahirapan. Sa iskwater na lugar na ito, wala pang puting dayuhan ang nakakapunta, at ngayon ang pinakaunang pagbisita dito at magkakaroon ng sampung-araw na krusada.
 

Kami ay nagdeklara ng digmaan

Ang salita ng Diyos ay nagsabi ng: Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. (Efeso 6:12)

Bago nagsimula ang krusada, kami ay nagdasal at nag-ayuno pareho sa Norway at Kenya. At ang unang krusada ni Ingebrigt na ginawa sa simbahan ay dineklara na digmaan laban sa kasamaan. Si Pastor Shadrach din ay naghayag na ngayon ay pupunta sila patungo sa kaaway upang bawiin ang nawalay na lupain at palayain ang mga nabilanggo.

Habang siya ay nagdadasal naihayag ang isang masamang espiritu sa isang babaeng nakiusyuso lang doon. Siya ay biglang umiyak at sumigaw sa Swahili, ngunit inalalayan siya ng mga tao na kasapi ng simbahan at siya ay napalaya. Kung ano ang sinigaw ng babae ay ang mga salitang ito: Hindi ito ang nais ko!

Ang ating kaaway ay masaya kapag nakakapagnakaw ng mga lungsod at ilagay ang mga tao sa pagkabilanggo, ngunit kapag ang simbahan ay tumayo upang kuhanin ang ninakaw, hindi siya makakalaban sapagkat tinalo na siya ni Jesus sa krus. Dahil nagdeklara kami ng digmaan at pumunta patungo sa kalaban, napakarami ang ataki mula sa kalaban. Isa na dito ang sasakyan ay hindi kinaya ang papalikong daan kung kaya't ito ay bumangga sa isang poste ng kuryente na ang resulta ay ang poste ay sumakmal sa riles ng tren at ang mga kable ng kuryente any nagkalat doon. At biglang dumating ang tren at nasagasaan ang mga kable ng kuryente kung kaya't biglang kumalat ang kuryente sa pinangyarihan. Napakadelikadong sitwasyon, ang mga tao ay tumakbo sa kung saan, sa kabutihang-palad walang nasaktan.

Isa sa mga krusada isang satanista ang pumunta sa harapan at nag-umpisang tumawag sa kapangyarihan ng kadiliman upang mahadlangan ang mga tao na maligtas. Siya ay kinuha at pinangalagaan ng mga kasapi ng simbahan at di nakagawa ng anumang kasamaan.

Ang pinakasersyosong ataki na ginawa ng kalaban ay nakadirekta laban sa isa sa tagapamagitan ni Ingebrigt, isang dalagang babae at may gulang na 22 taon. Isang umaga siya ay bigla nalang nagkasakit at nakaratay sa sakit ng tiyan. Pagdating ng hapon siya ay wala ng malay bago na komatos. Ang lokal na hospital ay hindi siya matulungan kung kaya't siya ay kinakailangang dalhin sa malaking ospital sa Nairobi. Ang mga doktor dito ay nagsagawa ng mga eksamin ngunit wala silang makitang dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanyang kondisyon. Nang mabalitaan namin ang nangyari kami ay nag-umpisang magdasal at ang dasal ay nakatulong. Ang babae ang nagkaroon ng malay at kalaunan siya ay nakalabas ng ospital. Hindi malaman ng mga doktor kung ano ang rason kung bakit siya napunta sa pagkakomatos, ngunit binigyan pa rin nila siya ng resulta; nasobrahan sa pagkilos! Kinakailangan may maisulat sila sa talaan. (Sa ibaba ng ulat na ito mababasa ninyo ang kanyang patotoo)

Sa labas ng lugar kung saan ang krusada ay ginanap ay maraming nangyari na maaring makapagpigil sa amin upang ipahayag ang ebanghelyo ni Jesus, ngunit hindi namin hinayaan na mapigilan kami nito, at natapos namin ang krusada.

132 ang tumanggap kay Jesus

Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong.Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin.(Mga Awit 72:12-14) 

Ang mga taong narinig ang ebanghelyo ay mga taong mababa sa komunidad. Ito yaong mga taong sawing-palad, nangangailangan at dukha. Sila ay inaapi at hindi sila tinatantiya o binibigyang halaga ng marami. Ngunit si Jesus ay may pagpapahalaga sa kanila! Ang kanilang dugo ay mahalaga sa Kanyang mga mata. 

Nalaman nila ang pagmamahal ng Panginoon para sa kanila at namatay si Jesus sa krus para sa kanila. At isa pa nalaman nila na kung sinuman ang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. 

Kada araw sa sampung araw na krusada may mga iilang tumugon sa pangangaral at tinanggap si Jesu-Cristo bilang tagapagligtas at Panginoon sa kanilang buhay. Nasa isangdaan at talongpu't dalawang katao ang sumatotal na naligtas. 

Si Pastor Shadrach, na nakapagtayo ng sampung simbahan ay nag-ulat na nang maligtas ang mga tao doon sa iskwater, sila ay pinanghawakan na ang kaligtasan. Wala na silang ginawang pag-asa sa labas na wala si Jesus, at samakatuwid sila ay naging matapat kay Jesus na tinatawag Siya para sa kanilang sarili.


Mga tao mula sa iskwater ng Paradise na nakinig sa ebanghelyo ni Jesu-Cristo.



Mga taong naghangad ng kaligtasan.

Patotoo

Ako ay isang mananampalataya at hanggang noong nakaraang taon pagkatapos ako'y naligaw ang landas at naging backslider. Sa panahon ng krusada, narinig ko ang Salita ng Diyos at tinawag akong muli ng Diyos patungo sa kaligtasan at nanumbalik ako sa pananampalataya kay Jesu-Cristo. Judah Mbatha, 29 taong gulang.

Sasasamantalahin ko ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa makapangyarihang Panginoon para sa kanyang kadakilaan at kung ano ang ginawa niya sa krusada.kahanga-hangang makita kung papaano iligtas ng Panginoon ang mga tao sa krusada na natapos sa loob ng sampung araw.

Mayroon lamang akong isang ninanais, ang mag-abot ng mga tao pabalik kay Jesu-Cristo. May mga tao na nandoon sa krusada, narinig ang pangangaral, ngunit dahil sa takot, hindi sila tumugon sa paanyaya upang maligtas.

Nangaral ako sa mga taong ito, isa-isa upang mapagtagumpayan nila ang takot. Sa paraang ito, ginamit ako ng Diyos upang maligtas ang lima sa kanila para kay Jesu-Cristo. Napakadakila ng Kanyang pangalan!

Ako ay nalulugod.
Gideon Mumo Kioko.


Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa ginawa Niya sa akin sa pamamagitan ng alagad Niya na sa si Ingebrigt. Ako ay nagdusa dahil sa pagtakwil ng aking pamilya noong ako ay maligtas walong taon na ang nakakalipas. Ang pagtakwil na ito ay nagpahantong sa isang sakit sa tiyan at ako ay pabalik balik sa ospital hanggang makilala ko ang alagad ng Panginoon sa loob ng krusada.

Nagkaroon ako ng labis na kahinaan ng loob sa buhay at pakiramdam ko wala ng nagpapahalaga at nagmamahal sa akin. Kahit akoa ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo, nagsimula akong mag-isip na ititigil ko na ang aking pag-aaral dahil sa mga kahinaan ng loob at kabiguan sa buhay. Sa panahon ng krusada, ako ay nagkasakit at dinala sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan. Ang alagad ng Diyos ay nagdasal para sa akin at ako ay ganap na napagaling.

Nagkaroon din ako ng panibagong tapang at lakas upang mabuhay muli. Ang udyok na magpatuloy sa pag-aaral ay bumalik at alam ko na makakaya ko ng pangasiwaan ang aking buhay at pag-aaral.
Evelyn Paul, 22 taong gulang.


Panapos na salita

Sa itaas mababasa ninyo ang tatlo sa mga patotoo kung ano ang ginawa ni Jesus sa panahon ng krusada. Maliban sa krusadang ito, ay nangaral din di Ingebrigt sa mga pagtitipon at komperensya na ginawa ng Glory Celebration Centre. Ang pastor at ang buong kongregasyon ay nalulugod sa Panginoon para sa espirituwal na pagkain na naibahagi. Sabi ni Pastor Shadrach sa kongregasyon na hindi sila nagdudulot ng gatas kundi laman at buto. Ang pangangaral at ang krusada ay nag-udyok sa marami na ipamahagi ang ebanghelyo sa mga di pa naaabot. Magkakaroon pa rin ng pagbisita at muling pagkabuhay sa Paradise.




Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway