Biyaheng pangmisyon

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

 

Sabik sa Panginoon!

 

Sa maraming paraan ang biyahe sa Guinea ay naging kakaiba kesa sa ibang mga misyong biyahe na nagkaroon kami sa loob ng 15 taon na nagawa namin sa ibang bansa. 

Kahit na ang Guinea ay mayaman sa pangkalikasang uri katulad ng bauxite, ginto at diamante, ang bansa ay hindi pa nakakapagdevelop ng kagamitan upang makasiguro ng suplay sa elektrisidad at tubig.

Ang kanilang elektrisidad ay nanggaling sa isang generator na tumatakbo ng anim na oras lamang kada araw at ang tubig ay nakukuha sa labas na pinanggalingan.

Apostel J.M. Williams

Ang kanlurang bahagi ng Africa na ang bansang Guinea, na may 8 milyong mamamayan, ay isang muslim na bansa. Noong taon bago mag1990 wala ni isang kristiyano sa bansa, at ipinagbabawal ang ipangaral ang ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Ngunit noong taong 1990 ang Diyos ay nagsimula ang Panginoon sa pagligtas na nagpa apekto sa buong bansa.

At ''gaya ng dati'' nag umpisa ito na may tinawag ang Diyos na isang tao. Ang taong ito ay si Apostle JM Williams mula sa Nigeria 

Nang hindi nalalaman ang wika at walang kakilala ni isa sa Guinea, siya ay pumunta doon sa pananampalataya kasama ang dalawang tauhan sa Conakry, ang kapital. Sa unang gabi ay natulog sila sa labas. Ang sumunod na araw ay nakatagpo sila ng isang muslim na babae na may sakit. Nagdasal sila para sa kanya at siya ay gumaling. Sa kanyang kagalakan ay pinatuloy sila nito sa kanyang pamamahay.

Tuwing umaga sila ay pumunta sa buong palibot at nakikipag usap sa mga tao tungkol kay Jesu-Cristo at marami ang pumunta sa pananampalataya. Ngunit marami sa kanila ang umatras dahil ang kapalit ay naging mataas na sa kanila pagdating sa pagbautismo dahil kinakailangan na nilang umalis sa islam. 

Noong 1992, si Williams ay nag-ayuno ng dalawang kapanahunan sa loob ng 40 na araw. Nang matapos na niya ang pangalawang kapanahunan ay dumating ang breakthrough. Ang mga tao ay gumaling kapag siya ay dumaan sa mga kalsada. Ang mga paralisado ay tumayo, ang mga bulag ay nakakita at marami pang mga himalang nangyari. 

Ang pagbangong muli ay nagtagumpay at libu libo ang pumunta sa pananampalataya kay Jesus. At sa parehong panahon ang pagmamalupit ay lumakas at ang mga mananampalataya ay binugbug at ikinulong. Marami din ang pinatay. Ang sarili mismo ni William ay binugbog at ikinulong sa pagmamalupit na ito. 

Ngunit ang pagmamalupit na ito ay hindi nakapagpigil sa pagbangong muli na lumaganap katulad ng isang apoy mula sa Conakry patungo sa buong bansa. Isa sa mga bunga sa revival ay ang pagban sa pangangaral kay Cristo ay itinaas at ang bansa ay nagkaroon ng bagong batas na nagbigay ng kalayaan sa relihiyon.

Ang gawain na sinimulan ni Apostle Williams ay tinawag na Shekinah Minitries. Ang ibig sabihin ng Shekinah ay ang kaluwalhatian ng Diyos. Ngayon ay mayroon na silang 250 na simbahan sa buong bansa na may 650,000 na kasapi! 

Mula sa Guinea ang revival ay lumaganap sa walo pang ibang bansa sa Afrika.

Si Apostle William ang siyang nag-imbita kay Ingebrigt Hoset upang mangaral sa komperensiya sa siyudad ng N`zerekore, Macenta at Conakry. 


Kasabikan!

Dumating kami sa Conakry sa pamamagitan ng eroplano mula sa Paris. Pagkatapos ng isang araw sa Conakry ay nagbiyahe kami patungo sa N`zerekore. Ang layo nito ay nasa 940 kilometro, ng nasa 300 km na kami kung saan ang daan ay nasa loob ng kagubatan na halos impossible. Sa daan patungo doon may pagkakataon na lumabas kami sa sasakyan at kinakailangan naming itulak ang sasakyan upang maipagpatuloy namin ang paglalakbay. Pagkatapos ng 28 oras, dumating din kami sa lugar ng N`zerekore ilang kilometro lamang ang layo mula sa Liberia. Dito ginanap ang aming unang komperensiya. 

Sa unang araw pa lang napansin na namin ang kasabikan para sa salita ng Diyos. May mga pastor at lider na mula sa 70 simbahan karamihan sa kanila ay nanggaling sa distrito at ung iba naman ay mula sa Liberia. 

Ang isang tao na nagbiyahe ng pinakamalayo sa lahat ay isang babae na nasa 94 na taon na nanggaling pa sa USA. Siya ang unang naligtas sa N`zerekore. Nangyari iyon noong 1994. ngayon siya ay nakatira sa isang kamag-anak na nagmigrate sa United States. 

Nang marinig niya ang tungkol sa komperensiya na mangyayari iyon sa kanyang hometown, ang Diyos ay nagsalita sa kanya na may gagawin siyang panibago sa Guinea. Dito siya dadalo at samakatuwid siya ay dumating galing pa sa USA!

Sa panahon sa pangangaral na isinalin sa dalawang wika, ang mga dumalo ay nagsulat sa pahina bawat pahina sa kanilang papel. Karamihan na nanggaling sa N`zerekore ay sabik sa salita ng Diyos na pumunta pa sila sa Macenta at Conakry. Ang pagpunta / pabalik ay isang paglalakbay na umabot ng 1,880 km sa mga pangit na daan. 

Sa komperensiya sa Macenta may mga partisipante na dumao ng dalawang araw upang marinig ang salita ng Diyos.   

Sa Conakry ay may mga lider sa iba't-ibang mga simbahan sa lungsod na dumalo sa Komperensiya.


Macenta

Sa pagtitipon tuwing gabi sa N`zerekore may 40 katao ang tumanggap ng kaligtasan. May pagpapagaling at deliverance sa mga masasamang espiritu din. Ngunit ang breakthrough ay dumating sa Macenta.

Macenta na ang ibig sabihin ay ''ang diyablo ang aming hari'' isang kagubatang nayon na may 6000 na mamamayan. Ang bayan na ito sa loob ng mahabang taon sila ay sumasamba sa diyablo, at ito pa rin ay nangyayari. 2 buwan bago kami dumating, isang lalaki sa labas ng nayon ng macenta ay inialay para sa diyablo. Ito ay ginawa ng miyembro ng kanyang pamilya, inilibing siya ng buhay! Ang gabi ng mangyari iyon ay napansin ng mga mamamayan na nakatira sa nayon na ang lugar ay nagkaroon ng lindol.

Pagkatapos niyon ay alam na nila kung ano ang nangyayari at sila ay tumakbo sa lugar na pinag-alayan. Doon nakatagpo nila ang kapamilya na nag-alay sa lalaki. Yung iba ay pumunta upang hukayin ang libingan ngunit huli na ang lahat, patay na ang lalaki. 

Sa lungsod na ito 80% sa mga kalalakihan ay iniiwan ang kanilang mga asawa kapag nagkaroon na sila ng 2-3 mga anak. Hindi ito ang kanais, nais na paligid para sa mga bata na lumalaki.

Dahil sa kahirapan na nararanasan ng mga inabandonang asawa at anak, ang simbahan ay nagkaroon ng mga gawain sa pagpapamahagi ng mga relief para sa kanila. Karamihan sa kasami sa simbahan ay samakatuwid mga kababaihan at kabataan na inabandona ng kanilang mga asawa at ama. 

Ang Macenta ay isa sa mga espiritual at madilim na lugar na napuntahan ko. Ngunit sa lungsod na ito ay nakita namin ang kaluwalhatian ng Panginoon. Dito nagkaroon kami ng pinakamalaking breakthrough na may 113 katao ang tumanggap kay Jesus bilang tagapagligtas at Panginoon!

Dito nakita din namin ang pinakamalaking himala. 

Isang babae na may espiritu ng pagkatakot na mamatay ay hindi natulog sa loob ng 6 na buwan! Alam niya na kapag siya ay nakatulog ay hindi na siya magigising kailanman.

Kung anong sitwasyon na kinasadlakan niya. Pagkatapos mapalayas ang espiritu siya ay nakatulog kung saan siya nakahandusay. Isang tao ang kumalong sa kanya at linagay siya sa unahang bahagi ng upuan habang siya ay natutulog. Nang gabing iyon siya ay nakatulog sa upuan sa simbahan. Sa sumunod na araw nakita namin siya na naglalakad sa palibot pagkatapos magkaroon ng masarap na tulog. 

Isa pang babaeng pipi na napasailalim ng kapangyarihan ng Diyos nang siya ay madasalan. Habang siya ay nanginginig sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, siya ay tumayo mula sa pagluhod at itinaas ang kanyang dalawang kamay patungo sa langit, habang ang mga luha ay umaagos sa kanyang mga mata. At ibuka niya ang kanyang mga bibig at ang una niyang binigkas ay: Hallelujah Jesus!

Isang napakamakapangyarihang karanasan ang makia kung ano ang nangyari sa kanya. 

Marami pang mga makapangyarihang himala ang nangyari sa Macenta. Mga himala na hindi naisulat dito sa ulat na ito. Ngunit ang mga naisulat dito ay patotoo para sa mga mambabasa na maniwala na si Jesu-Cristo ay katulad pa rin noon, ngayon at magpakailanman.

Dahil sa katototohanang ito kung kaya't may kakayahan kaming pumunta sa nayon kung saan ang diyablo ang hari, at kinuha ang kanyang kaharian.

 

160 ang naligtas

160 ang nagsisi ng kasalanan, marami ang napagaling at napalaya, ito ang naging bunga ng kampanya sa Guinea. 

Kapag ang isang tao ay nagsisi sa kanyang kasalanan, mayroong kagalakan na nangyayari sa kalangitan. Sa talinghaga sa suwail na anak, si Jesus ay nagsabi na nagkaroon ng pagdiriwang ng bumalik ang anak sa bahay ng kanyang ama. 160 katao ang nagbigay ng dahilan para sa isang malaking pagdiriwang. Ang makapanghatak ng kaluluwa pabalik sa Diyos ang pinakaimportanting tungkulin na maari nating magawa para sa Panginoon.

Nais nating makapag-abot pa ng mas marami pang tao. Si Propeta Isaias ay may sinabi tungkol sa pagkasabik sa salita at magkaroon ng katahimikan sa piling ng Diyos...Sa kanyang pangangaral ang isla ay ilalagay ang kanilang pag-asa.(Isaias 42:4b)

Ang sinumang naghihintay ay naghihintay ng walang katiyakan, dahil walang sinuman ang nakakaalam sa kanilang kinabukasan. Tayo ay tinawag upang gampanan ang mga gawain ngayon.

Ang Word of Freedom ay nangangailangan ng marami pang sangkatauhan upang sumuporta sa gawain sa pareho bilang palagiang maghahandog at sa iba pang mga gawain. Magkasama nating bigyan ng impluwensiya kung paano gugulin ng mga tao ang kanilang kinabukasan. Kung kaya't kontakin ninyo kami kung nais ninyong supportahan ang importanteng gawain na ito.

Pagpalain Nawa kayo ng Panginoon.

Mga Larawan



Si Apostle J. Williams at si Ingebrigt Hoset.

Hindi namin hinayaan na mapigilan kami dahil sa masamang kalsada.

Ngayon ipinagpatuloy namin ang paglalakbay...

 
Ang simbahan sa Macenta.



Mga naghangad ng kaligtasan.

 
Ang pagpatong ng kamay ng may pagdadasal para sa mga pastor sa sidtrito ng Macenta. Ang presensiya ng Espiritu ng Diyos ay napakamakapangyarihan at ang mga namumuno ay nakatanggap ng panibagong anointing.


Ang nayon sa pagitan ng Macenta at Conakry

 



Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway